25 BILLION POWER PLANT SA JOSE PANGANIBAN MATUTULOY NA!

608-J-PANG-MAP

May malinaw nang tinatahak ang isa sa pinakamalaking proyektong maitatayo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kamakailan ay dumating sa bayan ng Jose Panganiban ang 5-man team mula sa Department Environment and Natural Resources (DENR) upang magsagawa ng environmental input analysis na bahagi ng proseso sa pagtatayo ng kahalintulad na proyekto.

Ayun kay Mayor Dong Padilla, sa ngayon ay nasa estado na ng aspetong teknikal at pagdedesenyo ng planta, samantalang pinag-aaralan at isinasagawa na rin sa ngayon ang Environmental Clearance Certificate (ECC) ng DENR para dito.

Sa ngayon ay nagsasagawa na rin ng formal agreement sa pagitan ng dalawang malalaking investors ang pamahalaang lokal ng Jose Panganiban. 60% ang ilalagak ngisang kumpanya, 30% sa sa isa ring kumpanya at 10% mula naman sa mga Filipino group Investors.

Umaabot sa 25 Bilyong piso ang halaga ng naturang proyekto na mag-gegenerate ng umaabot sa 350Megawatt para sa unang phase pa lamang ng proyekto na inaasahang makapag-ooperate na sa taong 2019 o 2020.   Taong 2023 naman mapasisimulan ang 2nd Phase ng nasabing proyekto.

Nabatid din kay Mayor Dong Padilla na kasama sa napagkasunduang Corporate Social Responsibility ng mga investors ng proyekto ay ang may kaugnayan sa programang pang Edukasyon, pangkalusugan, pangkabuhayan at pang kapaligiran na pakikinabangan ng mga mamamayan ng Jose Panganiban.

Maliban pa dito, ayun pa kay Padilla, sakali anyang maaprubahan ang kanilang budget request, malaki ang mailalaan para sa subsidy ng kuryente sa mga kabahayan (households) sa kanilang bayan. Dito, malilibre na ang kuryente ng mga nasa below poverty line o ang mga gumagamit lamang ng isa hanggang dalawang bombilya sa loob ng tahanan. 10% na diskwento naman para sa mga nasa middle class at sa nalalabi pang labing isang munisipalidad sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pursigido si Mayor Dong Padilla na maisakatuparan ang proyektong ito dahil malaking tulong ito para sa pinaghahandaang energy crisis o kakulangan ng kuryente sa bansa sa taong 2019. Bukod pa sa malaking tulong ito sa kabuhayan at trabaho ng kanyang mga mamamayan at malaking tulong sa ekonomiya ng Jose Panganiban at maging sa kabuuang tulong na maibibigay nito sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *