DAET, Camarines Norte, Agosto 28 — Tinalakay sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga karapatan at batas para sa mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng “Disability and Accesibility Seminar for Persons with Disabilities (PWDs)”.
Isinagawa ito kamakailan sa Paseo de Bienvenidas sa bayan ng Daet sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan ng National Council on Disability Affairs (NCDA).
Ayon sa pahayag ni Andres Rhudy B. Ravelo Jr., chief admin officer and acting regional program coordinator sa rehiyong 5,6,10 ng NCDA, layunin nito na malaman at maintindihan ang accessibility para sa mga taong may kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs) ganundin ang mga batas na dapat gawing accessible ang ating environment society at ang mga pondo na dapat ibigay sa mga proyekto para sa kanila.
Aniya sa naturang gawain ay tinalakay ang pagbasa ng mga batas una na dito ang Proclamation no. 688 na ipilabas ni Presidente Benigno Simeon C. Aquino III “Declaring and in support of the United Nations the 3rd Decade of Persons with Disabilities”.
Sa taong 2013 hanggang taong 2022 na dekada ay dapat na mapabuti ang buhay ng mga taong may kapansanan katulad ng Eradication of poverty and more employment opportunities; Participation of PWD on local governance at ang Women with disabilities participation to the different activities.
Ayon pa kay Ravelo kailangan rin na magkaroon ng isang module kung paano turuan at sagipin ang mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng Disability inclusive disaster risk reduction management training.
Ang Early detection and intervention naman ay dapat din na malaman kung may kapansanan o wala ang bata katulad ng pangdinig ay kailangan na magroon na siya ng hearing aide at naturuan ng sign language at lip reading.
Dagdag pa ni Ravelo kung mayroon silang chronic illness, sanggol pa lang ay dapat rin na nabigyan na ito ng gamot at ang magbibigay nito ay ang Department of Health (DOH), Provincial at Municipal Health Office.
Tinalakay rin ang karapatan ng mga taong may kapansanan una na dito ang edukasyon, kalusugan, pagsasanay, accessibility, transportasyon, kapaligiran kung saan mayroon silang dadaanan sakaling pupunta sila sa mga pampublikong lugar lalo na ang mga naka-wheelchair.
Ganundin ang partisipasyon na ang mga taong may kapansanan sa barangay ay dapat organisado o magkaroon sila ng asosasyon o grupo.
Ang mga babaeng may kapansanan ay dapat rin na magkaroon ng grupo at mabigyan sila ng mga kailangan sa kanilang kapansanan sa ilalim ng Republic Act 7277 o Magna Carta of Persons with Disablities.
Ayon pa sa pahayag ni Ravelo, pinag-usapan rin ang General Appropriations Act 2015 section 35 na lahat ng ahensiya ay dapat na may pondo para sa mga taong may kapansanan para sa mga programa, proyekto at aktibidad na inutos sa mga batas katulad ng Republic Act 9442 o 20% discount for PWDs.
Sinabi pa niya na mayroong pondo ang Program and Services for PWDs dahil sa Proclamation 688 sa ating Annual General Appropriations Act at Internal Revenue Allotment (IRA) dahil lahat ng departamento hindi lang Social Welfare kundi Provincial Health at Department of the Interior and Local Government (DILG) ay dapat mayroong pondo para sa proyekto at programa ng mga taong may kapansanan.
Dahil ito ay utos ng ating konstitusyon at ng United Nations Economic Social Committee for Asia and the Pacific na sa tatlong dekada ay dapat maayos na ang buhay ng mga PWDs na ang kanilang kapansanan ay nabigyan na ng assistive devices dagdag pa ni Ravelo.
Sa rehiyong bikol ay mayroon ng Regional Federation of PWDs kung saan sa Camarines Norte unang nagtayo ng Provincial Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na matatagpuan sa tanggapan ng PSWDO ng pamahalaang panlalawigan sa kapitolyo probinsiya.
Ang lungsod naman ng Naga ay mayroon na ring Disability Affairs at apat na probinsiya na lang sa bikol ang wala pa nito at dapat rin na ang ibang munisipalidad na magtayo ng Municipal Persons with Disability Affairs Office para imonitor ang mga batas para sa kabutihan ng mga PWDs.
Reyjun Villamonte
Camarines Norte News