Dagsa ang mga mamamayan ng Labo at mga karatig bayan sa isinagaweang pagbubukas ng ika 17 taon ng Busig-on Festival kasabay ng ika 215 taong pagkakatatag ng bayan ng Labo, Camarines Norte kaninang umaga.
Pansamantalang isinarado sa mga motorista ang ilang bahagi ng maharlika highway para lamang mabigyan daan ang napakaraming sumama sa opening parade na tumuloy na rin sa opening program na ginanap sa Labo Sports Complex. Halos hindi na rin magkasya ang mga tao sa sports complex bagamat naging maayos naman ito at naging matiwasay.
Dinaluhan ito ng mula sa iba’t ibang sektor mula sa mga kawani ng pamahalaang nasyunal at lokal, mga opisyal ng Barangay, paaralan, at mga ordinaryong mamamayan ng Labo.
Pangunahing bisita sa nasabing okasyon si DILG Regional Director Eloisa Pastor na inihayag ang kanyang paghanga sa mapahalaang lokal ng Labo at inilataag ang mga award ng tinanggap ng LGU Labo sa pangunguna ni Mayor Joseph Ascutia.
Sa mensahe ni Director Pastor, partikular na tinukoy nito ang mga pagkilala sa LGU Labo na: 1. Good Financial Housekeeping; 2. Disaster Preparedness; 3. Business Friendliness and Competitiveness and; 4. Peace and Order.
Tiniyak ni Regional Director Pastor na magpapatuloy ang suporta ng DILG sa bayan ng Labo hanggang sa mga susunod pang panahon dahilan na rin sa ipinapakita nitong kagalingan bilang isang lokal na pamahalaan.
Sa pagbubukas ngayong araw, si Vice Governor Jonah Pimentel ang dumalo sa nasabing oosyaon samantalang sa mga susunod pang araw ay may mga programang nakatakda namang daluhan ni Governor Egay Tallado na nagpahayag na ng buong suporta sa okasyonng kanyang sariling bayan. Partikular dito ang pag tatakda ng Multi- services Caravan (MCS) na itatalaga ang dalawang team ng MSC sa Setyembre 3, 2015 kasabay ng “Dugong Alay ni Busig-on” Blood-letting program ng Philippine Red Cross na pangungunahan naman ni Mrs. Josie Baning-Tallado. Dumalo din sa nasabing okasyon si dating Labo Mayor Elping Tenorio kung saan sa kanya termino nagsimula ang Busig-on Festival.
Kasabay din naman ng pagsisimula kaninang umaga ng Busig-on Festival ang pagbubukas ng Fiesta Food Plaza kung saan ay isino-showcase ang mga lokal na pagkain ng bayan ng Labo, gayundin ang Agri-trade-Fair na kung saan ay ipinapakita naman ang iba’t ibang produktong agrikultura na nagmumula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Labo. Simula na rin ng Night Market na gabi gabing isasagawa sa nasabing bayan sa loob ng isang linggong selebrasyon.
Maging ang tanyag na Marian Icon Display ay binuksan na rin ngayong umaga, kung saan tampok ang iba’t ibang imahen ni berheng Maria.
Ilang programa pa ang nakatakdang gawin sa Busig-on Festival bilang pagbibigay pagkilala ng pamahalaang lokal ng Labo Kay Busig-on na kinikilalang alamat ng naturang bayan.
Ricky pera/Rodel Paquita
Photos Courtesy of Ricky Pera and Mahatma Gan FB
Camarines Norte News