APAT NA AMBULANSYA PARA SA CAM NORTE, IPINAGKALOOB NG PCSO!

ambulance-608

Kasabay ng pagpapasinaya, pormal na ring binasbasan ang apat na ambulansyang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pormal itong tinaggap nina Governor Egay Tallado, Vice Governor Jonah Pimentel, Provincial Administrator Joey Boma, Philippine Councilor’s League President Jay Pimentel , Provincial Health Officer Dr. Myrna Roxas at ilan pang mga kawani ng pamahalaang Panlalawigan.

Si St. John D’ Baptist Parish Priest Msgr. Cezar Macaro Echano ang nagsagawa ng pagbabasbas sa naturang mga ambulansya.

Nagpasalamat naman si Governor Tallado sa PCSO sa pagkakaloob ng naturang saksakyang pang medikal na labis anyang makakatulong sa mga mamamayan ng Camarines Norte na mangangailangan nito sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Ang ambulansya ay ipinagkatiwala ang pamamahala sa pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.