LGU MERCEDES, KUMATAWAN SA CAMARINES NORTE PARA SA 26TH PHIL. TRAVEL MART! SERAPHIM CHOIR, IPINAKITA ANG GALING AT GANDA NG MGA AWITING BICOL! (Photo Courtesy of Ms. Jing Arriola Calimlim)

LGU MERCEDES, KUMATAWAN SA CAMARINES NORTE PARA SA 26TH PHIL. TRAVEL MART! SERAPHIM CHOIR, IPINAKITA ANG GALING AT GANDA NG MGA AWITING BICOL! (Photo Courtesy of Ms. Jing Arriola Calimlim)

Kumatawan ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa pangunguna ni Mayor Alex Pajarillo sa isinagawang 26th Philippine Travel Mart na nagsimula noong Setyembre 4, 2015 at nagtapos ngayong araw, September 6, 2014, na ginanap naman sa SMX Convention Center sa Mall of Asia Complex sa lunsod ng Pasay.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng taunang programang isinasagawa ng Department of Tourism (DOT) upang palakasin ang turismo sa bansa.

Sa lalawigan ng Camarines Norte, pinili ng DOT ang bayan ng Mercedes kasama ang lima pang mga bayan sa rehiyon upang kumatawan sa Triple “C” Alliance na binubuo ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.

Ang Philippine Travel Mart ay ang pinakamalaking Travel Trade Show sa bansa na humihikayat ng libo-libong partisipantes mula sa iba’t ibang panig ng bansang Pilipinas.

Ang bayan ng Mercedes, kasama ang iba pang bayan sa Triple C Travel Alliane ay ipinakita ang mga magagandang lugar pang turismo sa rehiyong bicol. At sa layunin din na mapalakas ang Travel Show Production sa Camarines Norte inimbitahan ng LGU Mercedes ang Tanyag na Seraphim Choir na binubuo ng mga magagaling mang-aawit mula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte para umawit ng mga awiting bicolnon, katulad ng Sarong Banggui, Camarines  Norte Hymn, Mercedes Hymn at iba pa.

Sa pamamagitan ng mga awiting ito ay inaasahan ng Triple C Tourism Alliance na maghihikayat ito ng mga turista na bisitahin ang mga magagandang lugar sa rehiyon at mas mapalakas ang turismo tungo sa pag unlad ng ekonomiya.

Ang Seraphim Choir ay pinamumunuan ito ni Maestro Aimon Buan, na sya ring naglapat ng tunog sa Hymno Camarines Norte. Ang Seraphim Choir ay madalas na ring naiimbitahan na mag perform sa labas ng lalawigan sa iba’t ibang malalaking okasyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *