Naging matagumpay ang pagtatapos ng pagdiriwang ng ika 17th Busig-on Festival at ika 215 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Labo.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng makulay na Street Dancing Competition na dinaluhan ng umaabot sa labing dalawang (12) Elementary Schools at apat (4) na High School mula sa bayan ng Labo.
Sa dami ng sumali at nanood sa nasabing Street Dancing Competition, halos tatlong oras na pansamantalng isinara ang Mahrlika Highway sa bahaging poblcion ng Labo na pinahintulutan naman ng DPWH.
Narito ang resulta ng nasabing kompetisyon:
ELEMENTARY
1st Place – Tulay na Lupa Elementary School
2nd Place – Daguit Elementary School
3rd Place -Bulhaw Elementary School
SECONDARY/HIGH SCHOOL
1st Place – Dumagmang High School
2nd Place Tulay na Lupa High School
3rd Plae – Anecita De Lara High School
Tatanggap mula sa Pamahalaang Lokal ng Labo sa pamamagitan ni Mayor Joseph Ascutia ng tig dalawang daang libong (P200,000) halaga ng proyekto para sa paaralan ng unang gantipamala. Isang daan at limampung libong piso (P150,000) naman para sa ikalawang gantimpala at isang daang libong piso (P100,000) para sa ikatlong gantipala.
Kinagabihan din ng nasabing araw, pormal ng isinara ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Barangay Night na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay mula sa limamput dalawang Barangay ng bayan ng Labo. Kasama sa mga dumating sina Governor Egay Tallado at Ginang Josie Baning-Tallado (JBT) na pawang nagpahayag ng buong suporta sa mga programa ng pamahalaang lokal ng Labo.
Nagpasalamat naman si Mayor Joseph Ascutia sa lahat ng mga sumuportang mga opisyal ng barangay at mamamayan ng labo, lalot higit sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jojo Francisco at mga konsehal at sa mga kawani ng LGu labo na nagtulong tulong para sa isang matagumpay na pagdiriwang ngayong taon.
Camarines Norte News