MANGROVE PLANTING, DAET RIVER CLEAN-UP DRIVE AT SLR TREE PLANTING, SABAYANG ISINAGAWA NG RED CROSS CAM NORTE!

mangrove-608-1

Sa magkakahiwalay na lugar, magkakasabay na isinagawa ng Philippine Red Cross Camarines Norte Chapter sa pangunguna ni Provincial Chairperson Josie Baning Tallado (JBT) ang Mangrove Plating, Daet River Clean up Drive at Tree Planting.

Sa Brgy. Pagasa, Jose, Panganiban isinagawa ng grupo ni JBT kasama ang humigit kumulang tatlong daan at limampung (350) estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte ang Mangrove Planting. Katuwang din sa nasabing aktibidad ang Brgy Council ng naturang Barangay na pinamumunuan ni PB Arnel Espinosa kasama ang ilang mga residente ditto.

Sa magkasabay na oras, isinagawa naman dito sa bayan ng Daet ang paglilinis sa Daet River ng isa pang grupo ng Red Cross katuwang ang MDRRMO at PNP Daet. Ito’y bahagi paghahanda sa pagdiriwang Peñafrancia Festival ng Brgy 8, Daet.

Isa pang grupo ng Red Cross Camarines Norte ang nagtanim naman ng mga puno sa Core Shelter ng San Lorenzo Ruiz, katuwang naman dito ang ilang mga residente at mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar.

Sa panayam kay Red Cross Chairperson Josie Baning Tallado (JBT), sinabi nito na sa ngayon, bukod sa mga karaniwang isinasagawa ng Red Cross, isa pa sa pinagtutuunan nila ng pansin ang may kaugnayan sa kalikasan para makatulong sa pag bigay ng sulusyon sa patuloy na problema sa Global Warming sa abot ng kanilang kakayanan kasama ang mga volunteers.

Ayun pa kay Ginang Tallado, magtutuloy tuloy ang nasabing mga aktibidad sa mga susunod pang mga araw sa iabt ibang bahagi pa ng lalawigan.

Ipinagpapasalamat din ng unang ginang ang suportang ipinapakita sa kanilang grupo ng mga mamamayan, estudyante at lalo’t higit ng mga opisyal ng barangay na kanilang napupuntahan sa araw araw.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.