Masuwerteng nakaligtas ang isasng lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang riding in tandem sa bayan ng Basud Camarines Norte kaninang alas dose ng madaling araw (Sept. 27, 2015)
Sa ulat ng Basud PNP, habang naglalakad mula Brgy Mangcamagong patungo ng Brgy Mampili ang biktimang si Alex Ramirez Y Abin, 38 taong gulang, may asawa at residente ng Purok 8, Brgy Poblacion 2, ng naturang bayan, kasama ang isang Jay Cris Tapit Y Navarra, 23 anyos at residente naman ng Brgy Tabugon Sta Elena, Camarines Norte, nang bigla lamang tumigil ang isang motorsiklo sa harapan ng mga biktima at dalawang beses na pinaputukan ng angkas ng motorsiklo si Ramirez, hindi tumama ang unang putok ng baril kung kayat nakatakas ang biktima. Hinabol pa rin ito ng suspek at muling pinaputukan subalit sablay ulit ang suspek.
Hanggang sa tuluyan na ring nakatakbo ang biktima, at tumakas na rin ang suspek, sakay ng Yamaha RS 110 na motorsiklo na walang plate number.
Ayun sa mga nakalap na impormasyon ng mga imbestigador ng basud PNP na sina PInsp. Ace J. Flores at PO2 Abel M. Parale, nakasuot ng itim na jacket ang dalawang suspek, nakasuot ng helmet ang driver habang naka suot naman ng bonet ang backrider na gunman.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong empty shells at isang live ammunition ng kalibre 45.
Patuloy sa pagiimbestiga ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek at inaalam din ang motibo ng naturang pamamaril.
Camarines Norte News