ULTIMATE TROWBACK, ISINAGAWA SA CAM NORTE SPORTS CENTER PARA SA MGA SENIOR CITIZENS! LIBRENG PUSTISO, DAGDAG NA PONDO AT BENEPISYO, IPINAGKALOOB NG PROV. GOV’T!

Labis ang kagalakan ng mga senior citizens sa lalawigan ng Camarines Norte na nagtipon tipon kahapon sa Camarines Norte para sa isang Ultimate Throwback.

Libong mga Senior Citizens (SC) ang dumalo sa nasabing okasyon na inimbitahan din ang mag asawang sina Governor Egay Tallado at Josie Baning Tallado (JBT).

Maliban sa mga inihandang programa para sa mga senior citizens, mas lalong ikinatuwa ng mga nakatatanda ang naging laman ng mensahe ng gobernador. Isang milyong piso ang ininalaan ng pamahalaang panlalawigan para sa mga proyekto at programa ng mga senior citizens sa Camarines Norte. Dinoble na din ni Gov. Tallado ang tinatanggap na financial benefits ng mga SC sa lalawigan at magbibigay din ng tig 50 libong piso sa bawat municipal chapter o sa labing dalawang bayan.

Maaari na ring magpasukat ang sinumang senior citizen sa Camarines Norte para sa libreng pustiso kaloob pa rin ng pamahalaang Tallado. Kinakailangan lamang munang tumungo sa Provincial Social  Welfare and Development Office (PSWDO) sa provincial Capitol Annex para sa koordinasyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.