DATING KONSEHAL AT ISANG RESIDENTE NG BASUD, SANGKOT SA AKSIDENTE SA CENTRO NG DAET!

Giba at tanggal ang bumper ng isang kotse may plakang tqa 731 na minamaneho ng Ex-Councilor ng bayan ng Basud na pinangalanang Pablo Ablaneda,56 na taong gulang matapos makagitgitan ang isang pampasaherong tricycle na may plakang ET5715 na pag-aari ni Rico Peñaredondo sa tapat ng isang traffic light sa bayan ng Daet.

Ayon sa mga nakasaksi inagaw ang linya ng kotse ng tricycle kaya sumabit ito sa harapan ng naturang kotse na naging resulta sa pagkatanggal ng bumper nito.

Nagkaroon pa umano ng mainitang pagtatalo ng dalawa. Agad naman itong nirespondehan ng mga miyembro ng Daet PNP at agad na naayos ang gusot sa pamamagitan ng amicable settlement at nangakong ipagagawa na lamang ang naturang sira ng sasakyan pagkatapos na magka alamang magkalugar pala ang dalawa na parehong taga bayan ng basud.

608-3

Orlando Encinares

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.