Dalawampu’t lima (25) na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga ang hinuli ng pinagsanib na pwera ng mga awtoridad sa isang umao’y drug den sa Purok 1, Barangay IV (Mantagbac) sa bayan ng Daet.
Kahapon ng umaga ng Oktubre 17, 2015, sa gitna ng malakas na buhos ng ulan sanhi ng bagyong Lando, sumugod sa nabanggit na lugar ang mga miyembro ng Camarines Norte PNP, Camarines Norte Public Safety Company, sa pamumuno ni OIC Provincial Director P/Supt. Harris Fama kasama ang Criminal Investigation and Detection Team, 5th Regional Intelligence and Detection Unit, Albay CIDT at 49th IB Philippine Army.
Ang isinagawang “Oplan Lambat-Sibat” ng PNP na bahagi ng pagpapatupad ng “One Time Big Time” operation ng pulisya na naglalayong sugpuin ang iba’t ibang krimen sa bansa katulad ng may kaugnayan sa Syndicated Crimes, Illegal Drugs, Loose Firearms at ilan pang krimen.
Isinilbi ng naturang grupo ang labing limang (15) search warrant sa mga kabahayan sa nasabing compound habang inabangan at pinalibutan ng mga awtoridad ang mga posibleng labasan ng mga suspek.
Nag bunsod ang naturang operasyon sa pagkakaaresto ng 25 na katao sa pag labag sa RA 9165 o kilala bilang Dangerous Drugs Act of 2002.
Kabilang sa mga naaresto ang isang nag ngangalang Dennis Alem Y Sancho, 43 taong gulang, itunuturing na pinuno ng Alem Criminal Gang. Kasama pa rin sa 24 na naaresto ang isang Janet Ibasco, miyembro umano ng Arana Drug Group.
Ang naturang operasyon ang sinaksihan ng mga opisyal ng Barangay at mga miyembro ng Media sa Rehiyon.
Na rekober sa lugar ang 48 sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagtitimbang na humigit kumulang 26 na gramo, isang tea bag ng pinaghihinalaang pinatuyong dahoon ng Marijuana, cash money na nagkakahalaga ng 135,000 piso at isang walang lisensyang kalibre 38 baril na may anim na bala.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipinag turn-over na sa Provincial Crime Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon.
Pansamantalang ikinostudiya sa Camarines Norte Povincial Police Office para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.
Camarines Norte News
Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na mananatiling inosente ang mga suspek hangga’t hindi napatutunayan sa korte.