Ang Camarines Norte State College (CNSC) sa nangunguna ngayon sa may pinakamalaking bahagdan ng nakakapasang mga examinees para sa Board Examination sa kursong Mechanical Engineering sa hanay ng mga State Universities and Colleges sa buong bansang Pilipinas.
Naitala ng www.finduniversity.ph sa apat na magkakasunod na Board Exam noong March 2015, October 2014, March 2014 at September 2013, nanguna ang CNSC na may 100% passing rate sa hanay ng nasabing mga State Universities and Colleges partikular sa mga first time examinees. Dalawampu’t pito (27) sa dalawampu’t pitong first time Board takers ang nakapasa sa Camarines Norte State College, mula sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
Sinundan ito ng Notre Dame University ng Cotabato City na may 20 out of 20 passers, ang Lyceum of the Philippines University ng Batangas Batangas City na may 7 out of 7 passers, pawang mga 100% passing rate.
Sumunod na rin dito ang Mindanao University of Science and Technology ng Cagayan de Oro na may 97% passers, ang De La Salle University, Dasmariñas Dasmarinas City 96%, Ateneo de Davao University Davao City – 96%, at sumunod pa ang ilang mga tanyag na unibersidad sa Pilipinas.
(Alamin ang ilan pang pangalan ng mga paaralan sa FindUniversity.ph.)
Camarines Norte News