GARY VALENCIANO, BUMISITA SA CAM NORTE PARA SA PROYEKTO NG UNICEF SA LALAWIGAN! ISANG KONSYERTO, NAKATAKDANG ISAGAWA!

Gary-608-1
Gary-608-2

Oct. 21, 2015- Daet, Camarines Norte – Dumating kaninang hapon ang Ambassador of Goodwill ng UNICEF na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para bisitahin ang kanilang proyekto dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Alas tress ng hapon, kanina dumiretso sa “Sanayang pangkaligtasan“ sa Brgy Mat-e Vinzons ang grupo ng UNICEF kasama din ang maybahay ni Ginoong Valenciano na si Angeline Pangilinan na mainit na tinanggap naman nina Governor Edgardo Tallado, Vice Governor Jonah Pimentel, Camarines Norte Red Cross Chairperson Josie Baning-Tallado, mga kinatawan ng Dept Ed, PDRRMO at MDRRMO head ng labing dalawang bayan, mga mag aaral at ilan pang mamamayn ng lalawigan.

Doon nagkaroon ng isang maliit na programa at nagpasalamat din ang grupo ni Valenciano sa naging mainit na pag tanggap ng mamamayan ng Camarines Norte na pinangunahan mismo ng mag-asawang Gov Egay at Josie Tallado at VG Pimentel.

Ipinakita ng mga mag aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ang kasanayan ng mga ito sa paghahanda at pag responde sa mga sakuna na kanilang natutunan mula sa kanilang mga pagsasanay sa paaralan sa tulong ng PDRRMO at MDRRMO.

Matapos na makita ni Ginoong Gary Valanciano ang performance ng mga kabataan, nagpaabot ito ng paghanga sa pamunuan ng mga paaralan at PDRRMO at sa pamahalaang Panlalawigan sa galling ng mga kabataan sa naturang gawain.

Gary-608-3
Gary-608-4

Bukas, Oktubre 22, 2015, 8:30 ng umaga, mula sa tinuluyang hotel, tutungo ang grupo ng UNICEF sa Brgy Dalnac Paracale upang doon ay bisitahin ang kanilang proyektong ipinatupad mahigit nang isang taon.

Bibisitahin ng grupo ang naturang lugar upang makita kung ano na ang mga naging development nito at kung gaano na ito pinakikinabangan ng mga mamamayan lalo’t higit ng mga kabataan doon.

Isang Child Center for Disaster Risk Reduction Management ang itinatag ng UNICEF sa Brgy Dalnac sa pamamagitan ng pag commission sa isang NGO na ngayon pa lamang bibisitahin ng grupo mula nang maitatag ito mahigit isang taon na ang nakaraan.

Layunin ng naturang center ay magkaroon ng focus ng kasanayan sa Disaster Risk Reduction Management ang mga kabataan sa naturang lugar.

Unang tutunguhin ng grupo ni Gary Valenciano bukas ang mismong Barangay Hall ng Dalnac kung saan ay dadalo ito sa isasagawang sesyon. Matapos dito ay bibisitahin din ng grupo ang Dalnac Elementray School at makikinig si Gary habang nagtuturo ang isang guro sa kanyang mga estudyante may kaugyan sa pangkasanayan sa paghahanda sa sakuna. Makiki-jamming din si Mr. Pure Energy sa mga estudyanteng nag tutugtugan sa isang classroom sa naturang paaraan.

Pagkatapos ng ilan pang aktibidad, magsasagawa ng Live Concert si Gary V. sa mismong Brgy Dalnac upang makapag bigay ng kasiyahan sa mga namamaranggay doon.

Maliban sa mga dati nang programa ng UNICEF may kaugnayan sa mga kabataan, isa na rin ang Disaster Risk Reduction Management sa kanilang pinag tutuunan ng pansin dahilan sa mga kalamidad na dumarating ngayon sa bansa dulot ng global warming.

Nais ng UNICEF na maging handa ang mga kabataan sa bansa kung sakaling magkaroon ng sakuna sa kanilang mga lugar. Na hindi lamang sila ang ililigtas kundi ang maging bahagi na sila ng pagliligtas ng buhay ng kanilang kapwa.

608-full-2

Photos by Roden Rosario

Source: Harold Yago/Roden rosario

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *