KAUNA-UNAHAN SA BUONG REHIYON NA OPISINA PARA SA PWD’S OPISYAL NANG BINUKSAN!

PSWD-PWD-608

Pormal nang binuksan ang itinalagang opisina para sa mga nasa sector ng Persons with Disability (PWD) sa provincial capitol compound sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kaninang umaga, (October 26, 2015) pinangunahan ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Cynthia Dela Cruz ang naturang pagpapasinaya, kasama sina Provincial Administrator Joey Boma, SP Committee on PWD chairman BM Pamela Pardo at ng pangulo ng Provincial Disability Affairs Office Rex Adivoso-Bernardo.

608-cn-pdao-2

Ang naturang opisina pasa sa nasabing sektor ay kauna-unahan sa buong bicol region na nagkaroon ng sariling tanggapan para sa mga kapwa nila may kapansanan.

Sa panayam ng Cool Radio News FM kay Rex Bernardo, nagpasalamat ito sa pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay sa kanila ng suporta sa pamamagitan ng nasabing tanggapan. Maliban pa anya dito ay may mga nauna na ring tulong sa kanila ang pamahalaan sa pamamagitan ni Governor Edgardo Tallado sa pagbibigay ng mga wheelchairs, saklay at tungkod at ilan pang mga kagamitan na kailangan ng may mga kapansanan.

608-cn-pdao

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.