BIHUG, PATAY SA PANANAKSAK SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

BIHUG, PATAY SA PANANAKSAK SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Jose Panganiban, Camarines Norte (Oktubre 29, 2015) – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang  isang katutubo sa bayan ng Jose Panganiban bandang alas-10 kagabi sa Purok 3, Barangay San Jose ng naturang bayan.

Batay sa ulat ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), nagtungo sa kanilang tanggapan si Punong Barangay Roderico Rieza upang idulog ang nangyaring insidente ng pananaksak sa naturang lugar. Agad naman rumesponde ang mga otoridad sa pangunguna ni PO3 Generoso Bonom.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na ang nangyaring pananaksak ng suspek na kinilalang si Marlon Ecaro, residente ng Purok 5, Barangay San Jose, Jose Panganiban sa biktimang si Michael Jackson Villafranca, 25 talong gulang, binata, at residente ng Barangay Alayao, Capalonga ay nag-ugat sa dating alitan ng dalawa.

Samantala, inilibing na rin ang biktima batay sa pamamaraan ng tradisyon ng kanilang tribo habang patuloy pa rin pinaghahahanap ng mga otoridad si Ecaro na tumakas matapos ang insidente.

Edwin A. Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.