GROUNDBREAKING CEREMONY NG KAUNA-UNAHANG INTEGRATED GOLD-COPPER MINERAL PROCESSING PLANT SA REHIYONG BICOL, ISINAGAWA SA JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE!

IMG_20151028_095836

Jose Panganiban, Camarines Norte (Oktubre 29, 2015) — Sa sama-samang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban, Department of Science and Technology (DOST), at University of the Philippines- Diliman (UPD), pormal ng isinagawa kahapon (Oktubre 28, 2015) ang Groundbreaking Ceremony ng Integrated Gold-Copper Mineral Processing Pilot Plant sa Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Layunin ng nasabing proyekto na magkaroon ng isang eco-friendly technology sa mga maliliit na mga minahan na kung saan ay gagamit ng masusing pinag-aralan na gravity concentration-flotation-extraction processes at magkakaroon ng integrated tailings disposal and treatment system.

Sinasabing sa tulong ng makabagong teknolohiyang ito ay magkakaroon ng mas mataas na gold recovery ng 85 – 90%. Maaari rin umanong ma-recover ang ibang mineral tulad ng copper at zinc.  At isa sa mahalagang katangian ng teknolohiyang ito ay ang pagiging mercury – free at cyanide-free.  Mababa rin umano ang kakailanganing kapital sa pagtatayo at pagpapatakbo ng ganitong pasilidad kung ikukumpara sa kapital na kinailangang ilabas ng mga kasalukuyang namumuhunan sa kahalintulad na industriya.

Ang nasabing pasilidad ay isa lamang sa kabuuang apat na pasilidad na itatayo sa buong bansa na pinondohan naman ng Department Of Science and Technology (DOST).  Ito ang magsisilbing pilot na proyekto dito sa buong Rehiyong Bicol.  Umaabot sa humigit-kumulang 45 Milyong Pisong Grant ang ipinagkaloob ng DOST para sa proyektong ito.  (25 Milyon para sa konstruksyon ng building at iba’t-ibang pasilidad na kakailanganin, at ang nalalabi ay para sa research, tests at mga katulad na gawain na may kinalaman sa proyektong ito.)

Samantala, ang counterpart naman na hiningi sa lokal na pamahalaan ng Jose Panganiban ay  ang 2,000 sqm na lupa na pagtatayuan ng proyekto.  Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Dong Padilla kina Mr. and Mrs. Gaudencio Manigbas sa pagpayag na magamit ang kanilang lupa para sa nasabing proyekto.

IMG_20151028_092214

(From Left to Right) RD Roberto Sheen of DENR-EMB V, RD Tomas Brinas of DOST V, Mayor Dong Padilla, Mr. Gaudencio Manigbas (seated), VM Ariel Non, and Dr. Herman Mendoza of UP-Diliman

Ang nasabing groundbreaking ceremony ay dinaluhan nina Dr. Tomas B. Brinas, Regional Director ng DOST-V; mga kawani ng PCIEERD-DOST at mga kawani ng DOST -Camarines Norte Provincial Office; Dir. Roberto Sheen, Regional Director ng DENR-EMB; Dr. Herman D. Mendoza, Program Leader ng proyekto mula sa UP-Diliman; Mr.  & Mrs. Gaudencio Manigbas, may-ari ng lupang pagtatayuan ng proyekto; mga opisyal ng Barangay Sta. Rosa Norte; mga opisyal ng Pamahalaang Lokal ng Jose Panganiban sa pangunguna ni Mayor Ricarte “Dong” Padilla at Vice-Mayor Ariel M. Non.

IMG_20151028_085905

During the Cultural Rites of the Groundbreaking Ceremony, blood of a white lamb was scattered on the corners of the site.

Ayon sa panayam ng Camarines Norte News kay Mayor Dong Padilla, ang proyekto ay kasalukuyang nasa bidding process pa at inaasahan na ang konstruksyon ng nasabing planta ay  mapasisimulan ngayong huling linggo ng Nobyembre 2015 at  ang inagurasyon ay sa buwan ng Mayo 2016.

Sa talumpati ni Mayor Padilla, lubos ang kanyang pasasalamat kay Konsehal Sarah Aviado sapagkat siya ang nagpursige para maisakatuparan ang proyektong ito.   At nakita naman ng lokal na pamahalaan ng Jose Panganiban na malaki ang maitutulong nito sa ikaaayos ng industriya ng pagmimina sa kanilang bayan kung kaya’t buo ang naging pagsuporta niya at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Ariel Non sa proyektong ito.

Ito naman ang karagdagang pahayag ni Mayor Padilla para sa kanyang mga kababayan patungkol sa proyektong ito….

Kahit anong ganda ng proyektong ito kung hindi nyo po susuportahan, this will serve the biggest white elephant in this municipality.  Kaya ako po humihingi ng apila lalong lalo na po sa ating punong barangay…

Bilang ama ng bayan, nakikiusap po ako… alam po natin na may paraan para baguhin ang ating kinagisnan. Tandaan nyo po mahaba na ang maling kasaysayan ng pagmimina dito sa Camarines Norte pero naniniwala po ako dito sa proyektong ito….

THIS WILL SERVE AS THE CATALYST OF CHANGE!

MAGKAROON NG PAGBABAGO KUNG KAYO, AKO, TAYONG LAHAT AY MAGKAKAISA NA ANG MERCURY AY DAPAT NG TANGGALIN SA ATING MINAHAN.

Sapagkat hindi po pinag-uusapan ang buhay natin ngayon… ang pinag-uusapan natin ay iyong mga susunod pang henerasyon.  Kaya mahal kong mga kasama sa ating pamahalaan, tandaan po natin ang ginagawa natin ay hindi para sa atin, ang ginagawa natin walang iba ang ating ipamamana sa ating mga anak.

PHOTO GALLERY:

IMG_20151028_095854
IMG_20151028_095859
IMG_20151028_095950
IMG_20151028_100050
IMG_20151028_100305
IMG_20151028_100516
IMG_20151028_100637
IMG_20151028_100758
IMG_20151028_102139

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *