PNP, NAKAALERTO NGAYONG UNDAS! TEXT AND CALL HOTLINE, IBINIGAY SA PUBLIKO!

Cemetery-608

Maagang nag deploy ng mga kapulisan sa ibaโ€™t ibang sementeryo sa lalawigan ng Camarines Norte bilang paghahanda ngayong araw ng Undas.

Dito sa bayan ng Daet, nagtalaga ng mga kapulisan si Daet PNP Chief Ssupt. Paul Abay sa kahabaan ng F. Pimentel Ave. particular sa may bahagi ng tatlong sementeryo sakop ng Brgy Dos Pasig.

Layunin nito na maipatupad ng maayos ang rerouting na isinagawa upang maging sistematiko ang pag dagsa ng mga mamamayan sa naturang lugar.

Katuwang din ng PNP ang mga force multiplier, kabilang ang mga Barangay Tanod, mga radio communication groups, at ilan pang mga volunteer grupos na taon-taong nakakatuwang ng pulisya sa ganitong aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.