VG JONAH PIMENTEL, NAUPO NA BILANG ACTING GOVERNOR! SENIOR BOARD MEMBER PAMELA PARDO, NANUMPA NA RIN BILANG ACTING VICE GOV.

608

Nagsimula gampanan ni Vice Governor Jonah Pimentel ang pagiging acting governor bilang pag tugon sa kaatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) may kaugnayan sa pagpapatupad ng desisyon ng Office of the Ombudsman na isang taong suspension kay Governor Edgardo Tallado.

Ang suspensyon ni Tallado ay may kaugnayan sa pagsibak nito sa tungkulin sa isang regular na kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Magugunitang natanggap ni Governor Tallado ang desisyon sa mismong araw ng kanyang pag sumite ng kandidatura nitong nakatalikod na Oktubre 16, 2015.

Ayun sa kampo ni Tallado, matagal nang nadismiss ang nasabing kaso kung kaya’t ikinagulat nila ito dahil hindi umano sila naimpormahan sa motion for reconsideration na isinumite naman ng pinatalsik na kawani.

Sa kasalukuyan ayun sa kampo ni Tallado, may mga isinasagawa na silang legal remedy at kanila pang hinihintay ang desisyon hinggil dito.

Samantalang habang wala pang desisyon dito, mas minarapat na ring tumayo na bilang acting governor si Vice Governor Jonah Pimentel upang hindi maapektuhan ang serbisyo ng kapitolyo sa mamamayan ng lalawigan. Nito pang nakatalikod na linggo, si Pimentel na ang lumagda sa ilang papeles sa kapitolyo.

Nanumpa na rin naman si Sr. Board Member Pamela Pardo bilang Vice Governor bilang kapalit ni Pimentel sa nasabing posisyon.

Ayun kay Pimentel, normal ang magiging daloy ng transaksyon ng pamahalaang panlalawigan lalo pa’t magkasama naman sila ni Tallado sa mga programang ipinatutupad nito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.