BARANGAY KGWD SA DAET, PATAY SA SAKSAK MATAPOS UMAWAT NG ISANG PAGTATALO!

Central-Plaza-608

Patay matapos saksakin ng makailang ulit si Barangay Kagawad Carlos Pabico 52, anyos ng Barangay Gahonon sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Ayun sa imbestigasyon ng Daet Phil National Police, kagabi, sa 3Kids Videoke house, isang inuman sa Central Plaza Complex, Barangay Lag-on Daet, kasama ng biktima ang isang kaibigan na nakilala sa pangalang Allan.

Ganap na alas dos ng madaling araw, sa gitna ng inuman nakita ni Pabico si ang kanyang kasamang si Allan na may kadiskusyon sa labas ng establishimento. Lumabas si Pabico at inawat ang kasamahan at dalawang hindi nakilalang mga suspek. At dahil sa pag awat ng biktima, ito ang napag buntunan ng dalawa, bumalik sa sasakyang motosiklo at kumuha ng isang matalim na bagay, tsaka inundayan ng saksak si kagawad Pabico.

Pagkatapos nito ay agad ding tumakas ang dalawang suspek sa sakay ng kanilang motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon.

Hindi na rin umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktima matapos itong ideklarang Dead on Arrival ng mga doktor.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.