CHINESE CONSULTANT SA ISANG CONSTRUCTION CORPORATION SA PARACALE, NAGPAKAMATAY!

Paracale-608

Nov. 6, 2015 Paracale, Camarines Norte โ€“ Natagpuang wala ng buhay na nakabitin mula sa kisame ang isang Chinese National sa loob ng compound ng Reverage Construction Corporation sa Purok 3, Barangay Pinagbirayang Malaki sa bayan ng Paracale kahapon ng umaga.

Ayun sa ulat ng Paracale PNP, ganap na alas 6:30 nang matuklasan ng mga kasamahan ng biktima si Liang Shiu, 27 anyos Consultant sa naturang kumpanya na wala nang buhay.

Ayun kay Jessie Ramos, Vice President ng Reverage Construction Corporation, fbago ang pagpapakamatay ng biktima ay may dinaramdam na itong problema sa kanyang pamilyang naiwan sa bansang Tsina.

Alas otso na ng umaga nang maiaparating sa pulisya ang naturang insidente tsaka pa lamang nakapag padala ng imbestigador ang Paracale PNP.

Bago ipadala sa kanyang bansa si Liang, nagsagawa muna ng post mortem examination ang mga awtoridad upang malaman ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.