BAGONG KAPILYA, MGA PABAHAY, AT KABUHAYAN, IPINAGKALOOB NG IGLESIA NI CRISTO SA MGA KAPATID NA KABIHUG SA BAYAN NG PARACALE!

608

Paracale, Camarines Norte (Oktubre 10, 2015) – Napuno muli ng kagalakan ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa lalawigan ng Camarines Norte sa ikalawang pagbisita ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC na si Kapatid na Eduardo V. Manalo upang pangunahan ang isang aktibidad sa Brgy. Bakal, Paracale, Camarines Norte nitong nakatalikod na Linggo (Nobyembre 8, 2015).

608-7

Layunin ng pamunuan ng INC sa pangunguna ni Kapatid na Eduardo Manalo ang pagpapasinaya sa bagong gusaling-sambahan sa naturang barangay gayundin ang mga proyektong pabahay at pangkabuhayan para sa mga aeta o kabihug na mga miyembro ng INC.

Madaling-araw pa lamang ay matiyagang nang naghintay ang mga miyembro ng INC sa Brgy. Bakal na nagmula pa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte. Bagama’t malaking pagsubok ang mabato, baku-bako, at maliit na daan pagtungo sa naturang lugar dahil sa ito ay nasa bahaging kabundukan ng naturang bayan ay hindi ito alintana ng mga kapatid masilayan lamang ang gagawing pangunguna ng Kapatid na Eduardo Manalo.

608-6

Bandang alas-9 ng lumapag sa Brgy. Bakal ang helicopter na sinakyan ng Tagapamahalang Pangkalahatan na agad ding nagtungo kapilya upang pangunahan ang unang pagsamba sa Lokal ng Bakal na sinundan ng pagpapasinaya sa naturang proyekto. Sa humigit-kumulang 100 ektaryang lupain itinayo 300 pabahay, Eco-farm (particular ang Coffee and Calamansi Plantation), Dried Fish Factory, Garment Factory, paaralan, lupang sakahan at kasalukuyang ipinatatayo ang isang medical center na inilaan para sa daan-daang Kabihug na miyembro ng INC.

608-1
608-4
608-5
608-2
608-3


 

Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga Kabihug sa bagong bahay-sambahan, bagong tirahan, at kabuhayan. Dahil dito ay mabibigyan na umano sila ng sariling kabuhayan sa pamamagitan ng pananahi at pagtatanim, gayundin ang mga bata at matatandang kabihug na nais makapag-aral. Mabibigyan na rin ng atensyon ang kanilang kalusugan at hindi na rin magiging problema ang mga gamot kung sila ay magkakasakit.

Magugunitang unang dumalaw ang Tagapamahalang Pangkalahataan ng INC sa lalawigan ng Camarines Norte noong Mayo 29, 2015 nang isagawa sa Lokal ng Daet ang ordinasyon ng mga bagong ministro.

(photo credits: Orlando Encinares)

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.