GNG. JOSIE BANING-TALLADO, MULING NAMAHAGI NG MGA LIBRENG WHEELCHAIRS SA MGA PWDs SA BAYAN NG CAPALONGA AT PARACALE!

Paracale/Capalonga, Camarines Norte (Nobyembre 12, 2015) – Patuloy pa rin sa pamamahi ng mga libreng wheelchairs si Gng. Josie Baning-Tallado, nito ngang nakatalikod na araw ng Miyerkules (Nobyembre 11, 2015) ay tinungo ng grupo ng ginang ang mga bayan ng Paracale at Capalonga upang maghatid ng maagang pamasko sa mga PWDs o Persons with Disabilities sa lugar.

Personal na tinungo ni Gng. Josie Baning-Tallado (JBT) ang Brgy. Bagumbayan sa Paracale upang ipagkaloob ang hiling na bagong wheelchair ng isang 63-anyos na lalaki sa katauhan ni G. Rodon Talla. Ayon sa pahayag ng maybahay nitong si Gng, Marita Talla, si Rodon umano ay nakaranas ng mild stroke at mayroon ding diabetes at sakit sa baga, ito raw ang naging sanhi kung bakit hirap ng kumilos  ang asawa.

111
222

Hindi naman naiwasan ni Gng. JBT na maluha ng makita ang kalagayan ni G. Rodon, kaya’t ganoon na lamang ang saya ng ginang na kahit sa munting paraan ay napasaya at nakatulong siya sa pamamagitan nga ng ipinagkaloob na bagong wheelchair kay G. Rodon .

Leave a Reply

Your email address will not be published.