LIGHT A TREE AND CHORALE COMPETITION, PASISIMULAN NA SA KAPITOLYO NG CAMARINES NORTE!

Light-a-tree-608

Pasisimulan nang muli ang taunang Light a Tree Competition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte at sa pagkakataong ito ay kasabay na ang Choral Competition.

Ang Provincial Tourism Operations Division sa pamumuno ni Mr. Bong Palma ang syang pangunahing tagapangasiwa ng naturang kompetisyon at ang Provincial Government sa pamumuno ngayon ni Acting Governor Jonah PImentel.

Sa Disyembre 13, 2015 maaari nang magsimula ang mga kalahok sa Light a Tree para lagyan ng palamuti at mga pailaw at sa Disyembre 15, 2015 ay pormal na itong bubuksan sa publiko at isasagawa din ang unang round ng Judging. Kasabay nito ang Choral Competition kung saan magpeperform na ang mga kalahok naman dito. Tatlong musika, kabilang ang “Pasko na Sinta Ko” bilang common song na aawitin ng lahat ng kalahok, at ang isa naman ay isang pamaskong awitin na pipiliin ayun sa kagustuhan ng kalahok, ang pangatlo ay anumang awitin na nanaisin ng kalahok maging ito man ay pamasko o hindi.

Sa light a Tree Competition naman ay isasagawa ang ikalawa at huling round ng Judging sa araw na itatakda ng tagapangasiwa ng kompetisyon.

Tatanggap ng isang daang libong (100K) piso ang grand winner para sa Light a Tree Program, Sixty Thousand Pesos (60k) para sa ikalawang pwesto at apat na pung libong (40k) piso naman sa ikatlong pwesto.

Sa Choral Competition naman ay tatanggap ng tatlumpung (30k) libong piso para sa winning team, labing limang libong (15) piso para sa ikalawang pwesto at sampung libong (10k) piso naman sa ikatlong pwesto.

Maaaring tumungo sa tanggapan ni Ginoong Palma sa Provincial Youth Affairs Office, sa itaas ng Provincial Capitol Gym, ang mga nagnanais na sumali sa nabanggit na komeptisyon para sa ilan pang panuntunan.

Ngayong taon, ang naturang aktibidad ay may temang “Paskong Fiesta sa Kapitolyo“. Magugunitang pinasimulan ang Light a Tree Project sa pangunguna  ni Governor Egay Tallado na naglalayong mapalakas ang turismo sa lalawigan tuwing panahon ng kapaskuhan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *