TRICYCLE SECTOR SA CAM NORTE, UMALMA NA RIN SA BAGONG KAATASAN NG DOTC AT LTO HINGGIL SA PAGKUHA NG NBI CLEARANCE BAGO MAKAPAG RENEW NG LISENSYA!

edel-608

Umalma na rin ang sector ng trisikel dito sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay ng bagong kaatasan na ipinatutupad ngayon ng Department of Transportatation and Communications DOTC at Land Transportation Office LTO na karagdagang requirements, partikular ang Police Clearance at NBI clearance bago ang mga ito makapag renew ng kanilang driver’s license.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Ginoong Edel Santiago, pangulo ng Federation of Tricycle Operators and Drivers Association sa bayan ng Daet (FETODA) at ng CANFETODA o Camarines Norte Federation of Tricycle Operator’s and Driver’s Association, sinabi nito na sa Disyembre 1, 2015 ay nakatakda silang makipag ugnayan sa Sangguniang Bayan ng Daet upang hingin nila ang suporta ng naturang konseho hinggil sa kanilang suliranin.

Ayun kay Santiago, wala naman silang direktang pagtutol sa naturang bagong kaatasan lalo pa’t kung ito talaga ay makatutulong para sa pag sugpo ng ilang krimen na kinasasangkutan ng ilang mga drayber sa bansa, subalit nais lamang nila na maipagpaliban muna ito hanggat wala pang tanggapan ng NBI sa Camarines Norte.

Reklamo ng mga drivers, masyadong magastos sa kanilang panig kung sa bawat pag renew nila ng kanilang mga lisensya ay tutungo pa sila ng Lunsod ng Naga na kinakailangan pang gumastos ng hindi hihigit sa tatlong libong piso, kabilang na ang kanilang pamasahe, pagkain, at ilan pang gastusin sa pag tungo sa naturang lunsod.

Nakatakda ding tumungo sina Ginoong Edel Santiago kay Board Member Pol Gache upang makipagtulungan at suportahan ang resulusyon nito na humihiling sa DOTC na maipagpaliban dito sa Cam Norte ang pagapatupad ng naturang kaatasan.

Nagpasalamat din si Santiago sa naging pagkilos ni Bokal Gache na mapabilis na ang pagtatayo ng Satellite Office ng NBI sa lalawigan na inaasahan na mapasisimulan bago matapos ang taon.

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *