Malaki ang kumpiyansa ngayon ni Ginoong Nelson Gomez, sports Coordinator ng Dept Ed Camarines Norte na magpapakita ng magandang performance ngayon ng mga atleta ng lalawigan para sa Palarong Bicol sa Pebrero ng Susunod na taon na gaganapin sa Lunsod ng Naga.
Sinabi ni Gomez sa panayam ng Camarines Norte News, na simula Enero a-3 hanggang Pebrero 2, 2016 puspusan ang gagawin nilang pagsasanay sa mga manlalaro na pinili mula sa mga kasali sa katatapos na Palarong Panlalawigan. Pebrero 4, 2016 lalarga na ang delegasyon patungo ng Lunsod ng Naga para sumabak na sa ang rehiyong palaro.
Ayun pa kay Gomez, na malaking tulong rin ang karagdagang pondo na inaprubahan ng Provincial School Board na mula 6.7 Million Pesos ngayong taon ay tinaasan na ito ngayon ng hanggang 8.4 Million pesos para sa 2016 Palarong Bicol.
Dahil sa karagdagang pondo mai-poprovide na nila ang mga pangangailangan ng mga mag manlalaro na mas lalong magpapataas ng moral ng mga ito.
Tiniyak din ni Gomez na hindi na mangyayari pa ang nangyari nitong nakatalikod na Palarong Bicol na naging biktima ng Food Poisoning ang mga atleta ilang araw bago ang laban.
Anya, sa ngayon ay mas lalong magiging maingat ang mga mangangasiwa ng paghahanda ng pagkain at dadaan ito sa masusing pagsusuri bago ito ihain sa mga manlalaro.
May kaugnayan sa mga kagamitang bibilhin, dadaan din anya ito sa tamang proseso ng bidding upang maging karapat-dapat na makapag bibigay ng maayos na serbisyo sa buong delegasyon.
Samantala, narito naman ang resulta ng katatapos na Palarong Panlalawigan:
SECONDARY
4th Runner Up – Unit 5 – Jose Panganiban, Paracale, Capalonga
3rd Runner Up – Unit 6 – CANAPS (Private Schools)
2nd Runner Up – Unit 4 – Labo, Sta. Elena
1st Runner Up – Unit 2 – Daet, SLR, San Vicente
Champion Unit – 1 – Basud, Mercedes
-oOo-
ELEMENTARY
4th Runner Up – Unit E – Labo East and West
3rd Runner Up – Unit I – CANAPS (Private Schools)
2nd Runner Up – Unit F – J. Panganiban East and West
1st Runner Up – Unit C – Mercedes
Champion – Unit A – Daet North and South and CNSC
Sa pag tatapos ng palaro, agaran na ding nagsumite ang mga Tournament Manager ng bawat Unit ng kanilang mga napiling atleta na kanilang inirekomenda para makasama sa Palarong Bicol.
Camarines Norte News