MOTORSIKLO SUMALPOK SA LIKURANG BAHAGI NG PAMPASAHERONG BUS SA BARANGAY LAG-ON!

a
b
c
d

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 28, 2015) – Isang aksidente ang naganap kung saan sumalpok ang isang motorsiklo sa likurang bahagi ng pampasaherong bus sa Barangay Lag-on sa bayan ng Daet kagabi bandang 6:40 (Nobyembre 27, 2015).

Ayon sa isinagawang imbetigasyon ng Daet PNP, binabaybay ng isang bus ng Superlines Transport Company na may plakang DXX 487,  body number 1113 at minamaneho ni -Edwin Riazon 41-anyos ang kahabaan ng Diversion Road sa bahagi ng Barangay Lag-on patungo naman sa bayan ng Talisay at ng nasa bahagi na ito ng intersection ng San Vicente Road ay bigla na lamang sinalpok ang likurang bahagi ng bus ng isang Kawazaki Fury motorcyle na may plakang 6005 EZ na minamaneho ng isang Alejandro Peyra 42-anyos.

Agad na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital si Peyra, at doon napag alaman ng tumingin na doctor na ito’y lasing, habang ang drayber naman ng bus ay dinala rin sa parehong pagamutan upang isailalim sa medical examination. Nagtamo naman ng hindi pa malamang halaga ng damage ang parehong sasakyan.

Samantala, isinailalim naman sa kustodiya ng Daet PNP ang driver licenses at sasakyan ng dalawang sangkot na drayber para sa nararapat na disposisyon.

Photo Courtesy of JP De Leon

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.