KABATAANG PILIPINO, HINIKAYAT NA ITAAS ANG DIWANG MAPANLABAN AT MAKABAYAN KASUNOD NG PAGDIRIWANG NG IKA-152 TAON NG KAPANGANAKAN NI GAT. ANDRES BONIFACIO!

Sa pagunita sa ika-152 taon ng kapanganakan ng dakilang rebolusyonaryong si Andres Bonifacio na kilala ring supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK, na siyang nanguna sa paglaban sa kolonyalistang Espanyol.

Sa araw na ito, ginugunita ang ika-152 taon ng kapanganakan ni Andres Bonifacio – isang dakilang rebolusyonaryo, ang supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK, na siyang nanguna sa paglaban sa kolonyalistang Espanyol.

Makalipas ang ilang dekada at maka ilang palit ng administrasyon, nagpapatuloy pa rin ang himagsikang pinamunuan noon ni Andres Bonifacio. Bunsod umano ng patuloy na kawalan ng kalayaan at ang patuloy na nararanasang kahirapan at kawalang ng hustisya sa bansa.

Sa ipinalabas na press Statement ng Kabataan-Partylist Camarines Norte, ilang dekada na umano ang lumipas at nakailang palit na ng administrasyon, subalit nagpapatuloy pa rin ang himagsikang pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio.

Ito anila ay dahil nagpapatuloy ang umanoy kawalan ng laya ng Pilipinas sa dikta at kontrol ng dayuhan at patuloy na panunubasob ng lokal na naghaharing uri, habang patuloy na nararanasan ng nakararami ang kahirapan at kawalan ng hustisya sa bansa.

Sa pagdiriwang ng signipikanteng selebrasyon na ito’y magsilbi sanang pagpapaalala sa atin lalo lalong na sa mga kabaataan ng kahalagahan ng pagiging makabansa at makabayan, na ang pagpapakita nito’y hindi kasimbabaw ng pagsusuot ng mga damit na may tatak ng bandila ng bansa kundi ang pagsasa isip at pagsasa puso ng tunay na diwa ng pagiging Pilipino.” Pahayag ng Kabataan-Partylist.

Ayun pa sa naturang grupo ng kabataan, ang naging buhay ni Andres Bonifacio ay isa lamang patunay na ang bawat isa sa atin ay may papel na dapat gampanan sa pagpapayaman at pagpapa unlad ng ating lupang sinilangan. Lahat tayo’y maar imaging bayani sa ating mga mumunting paraan. Kaya nga sa darating na halalan ay hamon sa atin ni Gat Andres na maging mapanuri at aktibong makiisa, at makisangkot para sa inaasam na pagbabago. Katulad anila ng paalala ni Bonifacio na higit sa pagpili ng susunod na lider, ang diwa ng pagiging makabayan at ang tunay na pag mamahal sa bansa ang siyang dapat umiral bukod sa anupaman. At higit sa pag-alala, ipagpatuloy natin ang himagsikang kanyang isinulong at hanggang ngayo’y hindi pa rin napagwawagian. Isang himagsikan para sa isang bansa na tunay na malaya, himagsikan laban sa korupsyon at kahirapan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *