MILLION VOLUNTEER RUN 3 NG PHILIPPINE RED CROSS, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA SA CAMARINES NORTE!

608-7

Daet, Camarines Norte (Disyembre 13, 2015) – Humigit-kumulang sa 600 ang nakiisa sa lalawigan ng Camarines Norte sa isinagawang “Million Volunteer Run” (MVR) na aktibidad ng Philippine Red Cross (PRC) sa ikatlong pagkakataon.

Bandang alas-6 ng umaga nitong Linggo (Disyembre 13, 2015) nang simulan ang naturang pagtakbo mula sa Eco-Athletic Field patungo sa Bagasbas Beach na  ng mga propesyonal, mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan at antas, ilang mga lokal na pamahalaan, non-government organizations, kinatawan ng mga business establishments, at hanay ng kapulisan.

Ayon kay Philippine Red Cross – Camarines Norte Chairwoman Josie B. Tallado, layunin ng PRC na makalikom ng pondo na gagamitin sa mga programa ng National Red Crosss at Camarines Norte chapter. Para sa lalawigan ng Camarines Norte, ilan sa mga nais na isagawang proyekto ng pamunuan ng PRC ay ang pagkakaroon ng Blood Bank na bahagi ng national blood service upang hindi na magtungo pa sa malalayong lugar ang mga nagnanais makakuha ng dugo.

Dagdag pa ni Gng. Tallado na gagamitin din ang pondo sa Disaster Management Service at Safety Service upang makadagdag pa sa mga kagamitan at kaalaman kaugnay sa maayos na pagtugon sa mga kalamidad; gayundin sa Welfare Service, Health Service, at Volunteer Service na siya namang magiging malaking tulong upang mapalawak pa ang gagawing pagtulong at paglilingkod ng samahan sa lalawigan.

608-4

Nagbigay din ng suporta sa MVR si Acting-Governor Jonah Pimentel at suspended governor Edgardo Tallado na kapwa tinapos ang ang mahigit sa 5 kilometrong pagtakbo kasama si Gng. Tallado.

Samantala, nakisaya naman ang marami sa isinagawang zumba sa Bagasbas Beach na pinangunahan ng ilang mag-aaral sa Camarines Norte State College (CNSC).

Bukod sa lalawigan ng Camarines Norte, isinagawa rin ang kaparehong aktibidad sa Abra, Agusan del Sur, Aklan , Apayao, Basilan, Bataan, Benguet, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Cotabato, General Santos, Hilongos, Ifugao, Ilocos Norte-Laoag City, Ilocos Sur, Iloilo, Kalinga, Laguna, Lapu-Lapu-Cordova, La Union-San Fernando, Leyte, Masbate, Misamis Occidental-Oroquieta City, Mt. Province, Negros Occidental-Kabankalan City, Negros Occidental-Bacolod City, Negros Oriental, Northern Samar, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Olongapo, Ormoc, Ozamis, Pampanga-Angeles City, Pangasinan-Urdaneta, Pangasinan-Dagupan City-San Carlos, Quezon-Lucena City, Quirino, San Pablo, Siquijor, Sulu, Tarlac, at Zambales.

608-3
608-8
608-6
MVR-3-608
608-5
MVR-3-608-2

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *