BIKTIMA NG PAPUTOK SA CAM NORTE, UMABOT NG 9! KARAMIHAN, DAHIL SA PICOLO!

608-cnph-1

January 1, 2015 Daet Camarines Norte – Umabot sa siyam (9) ang kabuuang bilang ng mga naging biktima ng paputok ang naitala sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) sa simula Disyembre hanggang kaninang umaga.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Dra. Myrna Roxas, OIC Provincial Health Officer karamihan sa mga biktima ay pawang mga kabataan at lima sa naturang bilang ay dahil sa ipinagbabawal ng piccolo. Ayun pa sa Record ng PHO, pito (7) ang isinugod sa CNPH simula kahapon sa pagsalubong sa bagong taon hanggang kaninang madaling araw. Dalawa naman ang naitala nito pang mga huling linggo ng Disyembre 2015, kung kaya’t umabot sa siyam sa kabuuan hanggang alas 8:30 ngayong araw.

Sa bilang na siyam, lima dito ang dahil sa Picolo, isa naman ang nabali ang kamay dahilan sa Super Lolo na nilagyan ng bato. Hanggang kaninang umaga ay isinailalim na sa X-Ray ang biktimang may apilyidong Villanueva, tatumpung taong gulang (30) mula sa bayan ng Vinzons. Isa namang limang taong gulang mula sa Brgy Calasgasan Daet at isang anim na pung (60) taong gulang na biktima naman ng picolo sa daliri.

Katulad ng nakaraang taon, tinatayang mula anim hanggang labing limang taong gulang ang karamihang nabibiktima ng piccolo. Halos parehong bilang lamang din kumpara sa naitala noong pagsalubong sa taong 2015 ang naitala sa ngayon.

Nanawagan si Dra. Myrna Roxas sa lahat ng mga nasugatan ng paputok na dahil na agaran sa pagamutan kahit na kaunting sugat lamang ito.Posible anyang mag manifesto ang epekto ng impeksyon sa mga susunod na araw at labis na itong mapanganib sa biktima. Ngayon pa lamang anya ay kailangan nang malapatan ito ng lunas at upang makaiwas sa nakamamatay na Tetano.

Sa buong Rehiyong Bicol, naitala ang umaabot sa 56 na biktima ng paputok, pangalawa ito sa National Capital Region na umabot naman sa bilang na 150.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *