3 KATAO, HULI SA ILEGAL NA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALE!

608

Paracale, Camarines Norte (Enero 5, 2016) – Arestado ang 3 katao sa bayan ng Paracale nang mahuli sa akto ang mga ito habang nagsasagawa ng ilegal na pagmimina sa Sitio Maning, Brgy. Casalugan, Paracale, Camarines Norte kahapon (Enero 4, 2016) bandang alas-4:30 ng hapon.

Batay sa ulat na ipinadala ng Paracale Municipal Police Station (MPS), pinangunahan ng Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team (CIDT), Camarines Norte Provincial Intelligence Branch (PIB), at ng Paracale MPS ang operasyon sa ilegal na pagmimina na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek na sina; Nelson Lopez y Dado, 43 taong gulang, at residente ng Patag, San Lorenzo, Camarines Norte; Reynaldo Tomines y Peralta, 53 taong gulang, residente ng Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte; at Robert Tibar y Catania, 23 taong gulang, at residente ng Brgy. Dahican, Jose Panganiban.

Nakumpiska sa mga naturang suspek ang 2 sledge hammer, 7 cap lamp, 1 panel board, 1 pulley, at 2 paet.

Samantala, nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *