Paracale, Camarines Norte (Enero 7, 2016) – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki sa isinagawang operasyon laban sa ipinagbabawal na droga na bahagi pa rin ng “Oplan Lambat-Sibat” sa Purok Yakal A, Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte, nitong nakaraang Martes (Enero 5, 2016) bandang alas 9:45 ng gabi,
Sa pinagsamang-pwersa ng Paracale Municipal Police Station (MPS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CNPPSC), Camarines Norte Provincial Intelligence Branch (CN-PIB), Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team (CN-CIDT), ilang miyembro ng media, at Barangay Officials ng Brgy. Poblacion Norte, matagumpay na naihain ang isang search warrant no.D-2016-1 na may petsang January 5, 2016 na ipinalabas ni Executive Judge Arniel A. Dating of Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte.
Pakay ng naturang search warrant ay ang tahanan ng suspek na si Adonis Zantua y Lu, 52 taong gulang, may asawa, electrician, at residente ng naturang lugar.
Positibo naman sa pangangalaga ni Zantua ang 4 na small heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance at pinaniniwalaang Methamphetamine Hydrochloride o Shabu.
Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Paracale MPS ang suspek para sa karampatang disposisyon.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News