CITYHOOD NG DAET, UNANG AASIKASUHIN NI DATING CONG. ATTY. LIWAYWAY VINZONS – CHATO SAKALING MAKABALIK SA KONGRESO!

608

Daet, Camarines Norte (Enero 15, 2016) – Unang aatupagin ni Former Congresswoman, Atty. Liwayway Vinzons-Chato ang pagsasa-Ciuada ng Bayan ng Daet sakaling makabalik ito sa kongreso ngayong darating na eleksyon.

Sa panayam kay Chato, minsan na rin nyang napatunayan ang kanyang kakayanan na gawin ang kahalintulad na batas matapos nyang maipasa sa kongreso at maging ganap na batas ang pag hahati ng lalawigan ng Camarines Norte sa dalawang distrito.

Nagdulot ito ng positibong resulta sa usapin ng ekonomiya ng lalawigan dahil na dolbe ang mga pondong dumarating sa lalawigan mula sa national government. Dumami ang mga proyektong naipatupad sa lalawigan.

Sa kanyang pagbabalik kongreso ngayon, partikular sa ikalawang distrito ng lalawigan, tiniyak muling ni Atty. Liwayway Chato na una nyang aasikasuhin ang pagiging Ciudad ng bayan ng Daet na matagal na ring hinahangad ng mga mamamayan nito at ng mga Camnorteneo.

Sakali anyang maging lungsod na ang Daet, malaki ang magiging epekto nito sa pamamagitan ng paglaki ng Internal Revenue Allotment o IRA, pag dagsa ng mga mamumuhunan, paglaki ng sahod ng mga manggagawa at ang kabuuang pag lago ng ekonomiya hindi lamang sa bayan ng Daet kundi sa buong lalawigan.

Naniniwala si Chato na panahon na para magkaroon na ng Ciudad ang Camarines Norte dahil halos lahat na ng lalawigan sa buong bansa ay mayroon nang Ciudad.

Sinabi pa ni Chato na hindi lamang ang pagsasa-Ciudad ng bayan ng Daet ang nakahanay sa kanyang mga programa sa kanyang pagbabalik, kundi maging ang pagpapasa ng batas na pakikinabangan hindi lamang ng mga mamamayan ng Camarines Norte, kundi ng buong bansa.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *