LALAKI SA BAYAN NG BASUD, NAHULIHAN NG MGA IPINAGBABAWAL NA DROGA!

basud-608

Basud, Camarines Norte (Enero 21, 2016) – Nasabat ang ilang mga ilegal na droga sa bayan ng Basud sa isinagawang operasyon ng mga otoridad bandang alas-9 ng umaga kanina (Enero 21, 2016).

Batay sa ulat ng Basud Municipal Police Station (MPS), bitbit ang isang Search Warrant na ipinalabas ni Hon. Arniel A. Dating ng Regional Trial Court (RTC) Branch 41, Daet, Camarines Norte na ipinalabas noong Enero 14, 2016 dahil sa paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002“, sinalakay ng mga operatiba ng Basud MPS sa pangunguna ni PCI Rogelyn P. Calandria, ACOP kasama si P/Insp. Jigson D. Maddatu ng Police Public Safety Company (PPSC) ang isang tahanan sa Burgos St., Brgy. Poblacion I, Basud, Camarines Norte.

Hindi naman nanlaban pa ang suspek na si Sammy Zabala y Ibasco, 47 taong gulang, at may asawa. Nakuha sa pangangalaga ni Zabala ang 12 piraso ng heated sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, 7 piraso ng aluminum foil, 2 lighter, at 1 cellphone.

Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng naturang himpilan ang suspek na isa sa mga nagpapatuloy na accomplishment ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang proyektong “Lambat Sibat”.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *