LTO-DAET, BALIK NA SA NORMAL NA OPERASYON MAKALIPAS ANG 1 BUWANG OFFLINE; PILA SA MGA MAGREREHISTRO AT MAG RERENEW, BOX OFFICE

608

Daet, Camarines Norte (Enero 21, 2016) – Balik na sa normal na operasyon ngayon ang Land Transportation Office (LTO) sa bayan ng Daet matapos ang mahigit isang buwan na pagtigil ng operasyon nito duot ng pagkasira ng computer o server.

Nagsimulang tumigil ang pag tanggap ng transaksyon ng LTO Daet noong nakatalikod na Disyembre 16 matapos nga na masunog ang isang bahagi ng kanilang server.

Agaran din namang ipinarating ni Daet STRO Zaldy Martinez sa punong tanggapan ng LTO ang nasabing usapin partikular sa STRADCOM, ang kumpanyang nagpoprovide ng online system ng LTO sa bansa.  Inabot ng mahigit isang buwan bago tuluyang natugunan ang nasabing suliranin.

Mismong si Daet LTO Chief Zaldy Martinez ang tumawag sa mga miyembro ng media upang personal na iparating na maayos na ang kanilang serbisyo.

Sa ngayon, dagsa ang mga magpaparehistro at mag rerenew ng mga lisensya sa nasabing tanggapan dahilan para bahagyang bumagal ang serbisyo sa ngayon. Doble trabaho din ngayon ang mga kawani ng LTO Daet dahil sa napakaraming back log bunsod ng pag tigil ng operasyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *