BODEGA NG MGA KAGAMITAN SA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALE, TINUPOK NG APOY!

608

Paracale, Camarines Norte (Enero 25, 2016) – Tinupok ng apoy ang isang bodega sa P-Mapayapa, Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte kahapon bandang alas-4:15 ng hapon.

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng Bureau of Fire Protection – Paracale (BFP), faulty electrical wiring na sanhi ng short circuit sa koneksyon ng kuryente ang siyang pinagmulan ng sunog sa isang warehouse ng mga kagamitan sa pagmimina na pagmamay-ari Purisima Cornelio y Honasan, 52 taong gulang, may asawa.

Mabilis naman ang naging pagresponde ng BFP kaya’t agad na naagapan ang sunog matapos ang isang oras. Wala namang nasaktan o nasawi sa naturang insidente.

Samantala, tinatayang umaabot sa mahigit-kumulang P500,000 ang halaga ng mga gamit na nasunog tulad ng compressor at water pump na ginagamit sa pagmimina.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte New

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *