Capalonga, Camarines Norte (Enero 28 ,2016) – Patay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng CPP-NPA-NDF habang nakatakas ang iba pa sa bayan ng Capalonga nang maka-engkwentro nito ang mga tropa ng pamahalaan nitong nakatalikod na Martes (Enero 26, 2015).
Ayon kay PC/Insp. Martin Ngadao, Jr., hele ng Capalonga Municipal Police Station, papauwi na ang grupo ng Camarines Norte Police Public Safety Company (CNPPSC) at Philippine Army (PA) ula sa isang operasyon nang makasagupa ang humigit-kumulang sa 4 hanggang 6 na mga pinaniniwalaang miyembro ng NPA sa Purok 2, Brgy. Magsaysay, Capalonga.
Tumagal umano ng halos limang minuto ang palitang ng putok at matapos nito ay nakita nang dead on the spot ang isang Marlon Villan habang nakatakas naman ang iba pa nitong kasamahan.
Samantala, nilinaw naman ni Ngadao na ang nangyaring engkwentro ay isang military operation lamang at walang kaugnayan sa papalapit na eleksyon kung kaya’t mababaw pa ang usapin upang maging basehan upang mapasailalim sa area of immediate concern ang naturang bayan.
Magugunitang isa ang bayan ng Capalonga sa mga tinututukan ng mga otoridad dahil bukod sa banta ng makakaliwang-grupo ay mahigpit din ang banggaan ng mga lokal na kandidato sa lugar.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News