ISANG SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG LABO, PATAY SA PAMAMARIL!

608-map-labo

Labo, Camarines Norte (Pebrero 2, 2016) – Patay sa pamamaril ang isang senior citizen sa bayan ng Labo nitong nakatalikod na Linggo (Enero 31, 2016) bandang alas-11:30 ng gabi.

Bata sa ulat ng Labo Municipal Police Station (MPS), nagtungo sa kanilang tanggapan sina Reynalod Espina y Ebion at Wenceslao Bernardino y Villaluna, parehong barangay kagawad ng Brgy. Baay sa naturang bayan upang iulat ang insidente ng pamamaril sa kanilang lugar.

Kinilala ang biktima na si Rosita Amado y Furia, 61 taong gulang, gumagawa ng banig, at residente ng P-1, Brgy. Baay, Labo Camarines Norte na pinagbabaril sa mismong loob ng tahanan nito.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agaran nitong ikinamatay. Natagpuan naman sa pinangyarihan ng insidente ang 3 basyo ng bala ng shotgun.

Samantala, hindi pa rin batid ng mga otoridad ang motibo ng pamamaslang at kasalukyan pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon sa posibleng ikadarakip ng mga hindi nakilalang suspek.

Kasalukuyang nakalagak ang labi ni Amado sa KC Saavedra Funeral Homes sa Brgy. Pinya ng parehong bayan.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.