BUREAU OF INTERNAL REVENUE – CAMARINES NORTE, NAGPALABAS NA NG SCHEDULE AT MGA KINAKAILANGANG ISUMITE NG MGA LOKAL NA KANDIDATO PARA SA PROYEKTONG “IBOTO MO”!

BUREAU OF INTERNAL REVENUE – CAMARINES NORTE, NAGPALABAS NA NG SCHEDULE AT MGA KINAKAILANGANG ISUMITE NG MGA LOKAL NA KANDIDATO PARA SA PROYEKTONG “IBOTO MO”!

Talisay, Camarines Norte (Pebrero 12, 2016) – Nagtakda na ng schedule at requirements ang Bureau of Internal Revenue – Camarines Norte hinggil sa pagpapatupad ng mga tuntunin at pamamaran tungkol sa Project: Iboto Mo (BIR Registration and Tax Briefing) na inilunsad ng naturang ahensya batay na rin sa Revenue Regulations No. 8-2009 na may kaugnayan pa rin sa papalapit na 2016 Local and National Elections

Batay sa sulat na ipinadala ni Revenue District Officer Eralen B. De Aro, hinihikayat nila ang mga tumatakbong kandidato at mga political parties na makiisa at gampanan ang kanilang mga tungkulin at obligasyon sa naturang ahensya. Una, kailangan muna silang pagparehistro sa BIR sa pamamagitan ng pag-fillout ng BIR Form 1901/1903/1905 at pagpasa ng kopya ng kanilang Certificate of Candicacy (COC), NSO Birth Certificate, at Marriage Contract

Nakapaloob din sa nasabing sulat na ang lahat ng mga Campaign Contributions, Campaign Tools, at Services ay papatawan ng five percent (5%) withholding tax at kanila umano dapat itong i-remit sa isang Authorized Agent Bank sa loob ng sampung araw (10 days) bago matapos ang buwan kung saan naganap ang transaksyon ng naturang kandidato.

Inaasahan ng pamunuan ng BIR na lahat ng kandidato ay tutugon sa nasabing programa ng ahensya.

Narito ang schedule ng BIR Registration/Tax Briefing ng mga kandidato na tumatakbo sa iba’t ibang lokal na posisyon:

Mark James Asis
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *