TEAM CAMARINES NORTE, NAGTAPOS SA IKATLONG PWESTO SA PALARONG BICOL 2016; MGA ATLETA AT COACHES, NAGPASALAMAT SA LAHAT NG NAGING PAGSUPORTA NG MGA KABABAYAN!

TEAM CAMARINES NORTE, NAGTAPOS SA IKATLONG PWESTO SA PALARONG BICOL 2016; MGA ATLETA AT COACHES, NAGPASALAMAT SA LAHAT NG NAGING PAGSUPORTA NG MGA KABABAYAN!

Naga City, Camarines Sur (Pebrero 13, 2016) – Malaki pa rin ang pasalamat ng buong delegado ng Camarines Norte Division sa pagtatapos ngayong araw ng isinagawang Palarong Bicol 2016 sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur na nagsimula noong Pebrero 7, 2016 (Linggo).

Ayon kay G. Nelson Gomez, Sports Coordinator ng Camarines Norte Division, maganda umano ang ipinakita ng mga atleta ng Camarines Norte para sa torneyo ngayong taon, partikular na ang unang apat na araw ng palaro kung saan agad na umarangkada sa pagsungkit ng gintong medalya ang mga manlalaro. Dagdag pa ni Gomez, marami pa rin talaga ang maaaring mangyari sa bawat araw na dumaraan sa bawat kompetisyon kaya hindi umano sila naging kampante at patuloy na ginawa ang makakaya.

Bagama‘t nagtapos sa ikatlong pwesto ang Camarines Norte, nagpapasalamat pa rin ang mga manlalaro at mga coaches sa pamamagitan ni Gomez sa lahat ng naging suporta ng mga CamNorteños sa bawat sports event. Hindi aniya matatawaran ang ginampanang tungkulin ng mga magulang at mga CamNorteños na nagtungo pa sa Lungsod ng Naga upang makapagbigay ng suporta.

Aniya, paghahandaan nila ang isasagawang Palarong Pambansa ngayong taon dahil na rin sa maraming atleta mula sa Camarines Norte ang lalaban sa pambansang torneyo.

Nanawagan din si Gomez sa lahat na sana ay patuloy na suportahan ang mga manlalaro ng Camarines Norte na magtutungo naman Legazpi City, sa lalawigan ng Albay na siyang host ng Palarong Pambansa 2016 na mag-uumpisa sa Abril 10, 2016.

Nagtapos ang Camarines Norte na mayroong 52 gintong medalya, 54 na Silver, at 48 Bronze. Kampeyon naman ngayong taon ang Lungsod ng Naga, na sinundan ng Lalawigan ng Albay.

(photo credits: Naga Smiles To The World)

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *