3 KATAO, HULI SA MAGKASUNOD NA OPERASYON NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE LABAN SA ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

3 KATAO, HULI SA MAGKASUNOD NA OPERASYON NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE LABAN SA ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Jose Panganiban, Camarines Norte (Pebrero 19, 2016) – Sinalakay ng mga otoridad ang dalawang kabahayan sa bayan ng Jose Panganiban kaugnay ng nagpapatuloy na PNP PATROL Plan 2030 sa pamamagitan ng Oplan Lambat-Sibat laban sa ilegal na droga.

Sa isinagawang operasyon ng mga otoridad nitong nakatalikod na Martes (Pebrero 16, 2016), bandang alas-8:30 ng gabi nang unang tinungo ng mga operatiba ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), Camarines Norte Provincial Intelligence Branch, ilang media, at Barangay Captain ang bahay ng suspek na si Desiree Tayas, 27 taong gulang, may kinakasama at, residente ng Purok 5, Brgy. Parang, Jose Pangaiban, Camarines Norte.

Bitbit ang Search Warrant Number D-2016-31 na ipinalabas noong Pebrero 15, 2016 ni Executive Judge Hon. Arniel A. Dating ng Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte, hinalughog ng mga otoridad ang naturang tahanan ng suspek na nagresulta sa pagkakakumpiska ng  5 small transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, ilang drug paraphernalia tulad ng tooter, lighter at digital weighing scale.

Sumunod naman tinungo ng mga otoridad ang tahanan ng suspek na si Nemesio Faustino y Base aka “Boy”, 50 taong gulang, may kinakasama; at Taurus Faustino aka “Taw-Taw”, parehong mga residente ng parehong lugar dala ang Search Warrant Number D-2016-30 na ipinalabas noong Pebrero 15, 2016 ni Executive Judge Hon. Arniel A. Dating ng Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte.

Nakumpiska naman sa mga naturang suspek ang isang lighter at 7 aluminum foil na naglalaman ng mga tira ng pinaghihinalaang shabu.

Samantala, nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang mga nahuling suspek para sa kaukulang disposisyon, habang dinala na sa Provincial Crime Laboratory Office (PCLO) ang mga nakumpiskang ebidensya. Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *