ILEGAL NA DROGA AT MGA ARMAS, NAKUMPISKA SA ISANG MATADOR SA BAYAN NG LABO!

ILEGAL NA DROGA AT MGA ARMAS, NAKUMPISKA SA ISANG MATADOR SA BAYAN NG LABO!

Labo, Camarines Norte (Pebrero 20, 2016) – Panibagong accomplishment para sa Labo Municipal Police Station (MPS) ang isinagawang pagdakip sa isang lalaking sangkot sa ilegal na droga at mga armas sa bayan ng Labo.

Batay sa ulat ng Labo MPS, bandang alas-4:15 ng madaling-araw kahapon (Pebrero 19, 2016) ng magtungo ang mga otoridad, opisyal ng barangay, at media sa P-3, Brgy. Pinya, Labo, Camarines Norte upang ihain ang Search Warrant No. D-2016-32 na ipinalabas ni Hon. Arniel A. Dating, Executive Judge ng Regional Trial Court Br. 41 dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002“.

Pakay ng operasyon si Marcos Dizon y Dela Torre alyas “Angkot”, matador, at naninirahan sa naturang lugar. Sa isinagawag operasyon, nakumpiska ng mga otoridad ang ilang mga pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia, cal. 38 revolver, paltik, mga bala ng cal .38, balisong, pera, at cellphone.

Dahil dito, bukod sa naunang kaso, inihahanda na rin ang isa pang kasong paglabag sa R.A. 10591 o “Comprehensive Law on Firearms and Ammunition”

Nananatili na ngayon ang suspek sa kustodiya ng Labo MPS para sa karampatang disposisyon.

(photo credits: Rod Aycocho)

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *