LALAKING MAY KASONG PAGNANAKAW SA BAYAN NG PARACALE, NAHULIHAN PA NG ILEGAL NA DROGA BAGO IPASOK SA KULUNGAN!

LALAKING MAY KASONG PAGNANAKAW SA BAYAN NG PARACALE, NAHULIHAN PA NG ILEGAL NA DROGA BAGO IPASOK SA KULUNGAN!

Paracale, Camarines Norte (Pebrero 20, 2016) โ€“ Bumigat pa lalo ang kaso ng isang lalaki sa bayan ng Paracale nang hulihin ito ng mga otoridad nitong nakatalikod na Huwebes bandang alas-2:30 ng hapon sa Sta Rosa Street, Purok Yakal A, Brgy. Poblacion Norte.

Batay sa ulat ng Paracale Municipal Police Station (MPS), bitbit ang Warrant of Arrest sa ipinalabas ni Hon. Dara SJ Mallorca ng Municipal Trial Court Judge ng Paracale, Camarines Norte, sa ilalim ng criminal case number 16-4930 na may petsang February 16, 2016 dahil sa kasong pagnanakaw, tinungo ng mga operatiba ng Paracale MPS ang tahanan ng suspek na si Rennie De Lemios y Victa, 24 taong gulang, magkakabod, binata, at residente ng naturang lugar.

Mahinahon namang sumama si De Lemios sa mga otoridad at nang makarating sa himpilan ng pulisya, inutusan ng nakatalagang jail custodian ang suspek na ilabas lahat ng gamit na nasa loob ng bulsa nito bilang bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) bago ipasok sa piitan.

Dito na nadiskubre ang dalawang pakete ng sigarilyo na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu at ilang drug paraphernalia.

Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Paracale MPS ang suspek habang ang mga nakumpiskang gamit ng suspek ay dinala na sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory para ilang pagsisiyasat. Bukod sa kasong robbery, inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 ng suspek dahil na rin sa nakuhang ilegal na droga.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.