JAPANESE NATIONAL, BIKTIMA NG PAGNANAKAW SA BAYAN NG DAET!

JAPANESE NATIONAL, BIKTIMA NG PAGNANAKAW SA BAYAN NG DAET!

Daet, Camarines Norte (Marso 2, 2016) โ€“ Hindi nakaligtas ang isang Japanese national  mula sa mga kawatan nang pasukin ang tinutuluyan nito sa bayan ng Daet kahapon bandang alas-10 ng umaga.

Batay sa ulat na ipinadala ng Daet Municipal Police Station (MPS), nang magising ang biktimang si Takazumi Hashimoto, 47 taong gulang, binata, Japanese citizen, at residente ng Vinzons Avenue, Purok-4, Barangay IV, Daet, Camarines Norte sa nirerentahan nitong apartment, nadiskubre nitong nawawala na ang kanyang mga gadgets Ipod 4, walkman, Samsung Docomo cellphone, at wallet na naglalaman ng Immigration ID at Japan Net Bank Visa Card.

Natangay din ng magnanakaw ang isang globe wireless modem na pagmamay-ari naman ng kanyang kakilala. 

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, malayang nakapasok at nakalabas ang suspek sa main door ng naturang apartment. Inamin naman ni Hashimoto na nakalimutan nitong i-lock ang pinto na siyang dahilan kaya nakagpagnakaw ang hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay natutulog.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nangyaring insidente ng pagnanakaw para sa posibleng ikadarakip ng suspek.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.