RANKED NUMBER 2 SA LISTAHAN NG WANTED DRUG PERSONALITY SA BAYAN NG MERCEDES, NADAKIP NG MGA OTORIDAD

Mercedes, Camarines Norte (Marso 2, 2016) – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang ikalawa sa listahan ng Top 10 Drug Wanted Personality sa bayan ng Mercedes kahapon (March 1, 2016) bandang alas-3:55 ng hapon.

Sa isinagawang operasyon ng pinagsamang-pwersa ng Mercedes Municipal Police Station (MPS), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Provincial Intelligence Branch (PIB), ilang barangay officials, kasama ang media, sinalakay ng mga otoridad ang tahanan ng isang Cesar Pacis y Gamban a.k.a “Pilay”, 32 taong gulang, may kinakasama, at residente ng Purok 2, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

Si Pacis ay mayroong search warrant no. D-2016-43 na ipinalabas ni Hon. Arniel A. Dating, Executive Judge, Daet Regional Trial Court Branch 41 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 11 small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu; aluminum foils; gunting; at lighters

Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Mercedes MPS ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 11 at 12 ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.