EMPLEYADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAET AT RANK NUMBER 1 SA MUNICIPAL MOST WANTED, INARESTO NG MGA OTORIDAD!

EMPLEYADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAET AT RANK NUMBER 1 SA MUNICIPAL MOST WANTED, INARESTO NG MGA OTORIDAD!

Daet, Camarines Norte (Marso 3, 2016) – Inaresto ng mga otoridad kahapon (Marso 2, 2016) bandang alas-4 ng umaga ang isang lalaking itinuturing na Rank Number 1 sa Top Ten Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Daet .

Batay sa ulat na ipinadala ng Daet Municipal Police Station (MPS), inaresto ang suspek na si Reynaldo Santiago y Laurenciano alias “Rey”, 52 taong gulang, may asawa, municipal government employee ng Daet, Camarines Norte, at residente ng Purok Bayabas, Brgy Gubat, Daet, Camarines Norte.

Si Santiago ay hinainan ng warrant of arrest dahil sa kasong Statutory Rape in relation to RA 7610, sa ilalim ng criminal case No. 17223 na may rekomendadong piyansang may halagang Php200,000.00 at Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610, sa ilalim naman ng criminal case No. 17224, na may rekomendadong piyansang may halagang Php80,000.00, parehong may petsang Pebrero 2, 2016 na ipinalabas ni Hon. Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court Branch 40 ng Daet, Camarines Norte.

Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Daet MPS ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.