Jose Panganiban, Camarines Norte (Marso 3, 2016) – Wala nang nagawa pa ang isang lalaki sa bayan ng Jose Panganiban nang masamsam sa kanyang pangangalaga ang ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng mga otoridad nitong nakatalikod na Martes (Marso 1, 2016) bandang alas-3 ng hapon.
Batay sa ulat ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), pinangunahan ng mga operatiba mula sa Jose Panganiban MPS, Provincial Intelligence Branch (PIB), Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) kasama ang media at barangay officials ang paghahain ng Search Warrant No. D-2016-40, na ipinalabas ni Executive Judge Arniel A. Dating, Regional Trial Court, Branch 41, na may petsang Pebrero 22, 2016 sa suspek na si Roland Navaja y Montayre aka “Tata”, 45 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 2 Barangay Osmeña, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Nakumpiska kay Navaja ang dalawang small transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance ng pinaghihinalaang Methamphetamine Hydrochloride o Shabu; at isang small transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon na pinaniniwalaan namang marijuana.
Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Jose Panganiban MPS ang suspek habang inihahanda ng ang mga kasong isasamapa para dito.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News