BABAE SA BAYAN NG DAET, HULI DAHIL SA IPINAGBABAWAL NA DROGA

BABAE SA BAYAN NG DAET, HULI DAHIL SA IPINAGBABAWAL NA DROGA

Daet, Camarines Norte (Marso 10, 2016) – Panibagong accomplishment ang naitala ng Daet Municipal Police Station (MPS) matapos ang isagawang operasyon laban sa ilegal na droga kung saan nahuli ang isang lalaki sa bayan ng Daet nitong nakaraang Martes (Marso 8, 2016) bandang alas-10 ng umaga.

Batay sa ulat ng Daet MPS, nahuli ng mga otoridad ang suspek na si Loreta Delos Santos Aben, 42 taong gulang, dalaga, at residente ng Charito Street, Barangay VI, Daet, Camarines Norte sa bisa ng Search Warrant no. D-2016-44, na ipinalabas Hon. Arniel A. Dating, Executive Judge na may petsang Marso 7, 2016, dahil sa paglabag sa Section 11 & 12 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act).

Ang pag-aresto ay ginawa matapos makumpiska sa suspek ang 2 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu; lighterimprovised rolled aluminum foil; at transparent plastic tube.

Samantala, kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Daet MPS si Delos Santos para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Section 11 & 12 ng Article II ng R.A 9165 na isasampa laban sa suspek.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *