MAMAHALING LAPTOP, TINANGAY NG MGA MAGNANAKAW SA LOOB NG ISANG APARTMENT SA BAYAN NG DAET

Daet, Camarines Norte (Marso 11, 2016) – Pinagnakawan ng mga hindi pa nakikilalang kawatan ang isang apartment sa bayan ng Daet nitong nakaraan Miyerkules (Marso 9, 2016) bandang alas-7:30 ng umaga.

Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), nang magising ang biktimang si Emil Gregor Ortiz y Norte, 31 taong gulang, at binata, sa tinutuluyan nitong apartment sa Door 1, Rojo Glen Apartment, Diego Liñan Street, Barangay VII, Daet, Camarines Norte ay napansin nitong sira na ang screen window sa kanyang tinutuluyan.

Sa patuloy na pag-iinspeksyo ay napag-alaman nitong nawawala na ang kanyang Lenovo laptop na nagkakahalagang P26,000 na nakalagay sa ibabaw ng kanyang working table.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakahuli sa mga suspek.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.