45 ANYOS NA LALAKI, PATAY SA SAKSAK SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

45 ANYOS NA LALAKI, PATAY SA SAKSAK SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Jose Panganiban, Camarines Norte (Marso 15, 2016) – Dead on Arrival sa pagamutan ang isang 45 anyos na lalaki matapos pagsasaksakin di umano ng dalawang suspek na kinilala ng mga awtoridad na sina Joven Olino at Jay-ar Arqueno kapwa mga residente ng Barangay Luklukan Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Habang ang biktima ay kinilalang si Nelson Bordeos y Paje, residente ng P-10 Brgy. Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Base sa police report, tadtad ng saksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Mabilis naman umanong tumakas ang dalawang nasabing suspek dala ang hindi pa mabatid na uri ng patalim na ginamit sa pananaksak.

Sa ngayon patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga responsable habang inaalam pa kung ano ang motibo sa pananaksak dakong alas 10:30 kagabi.

Inihahanda na rin ng pulisya ang kaukulang kaso na kakaharapin ng mga suspek.

(details courtesy: Rod Aycocho)

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.