Daet, Camarines Norte (Abril 6, 2016) – Nakatakdang maglaan ng P100,000 si Congressional Aspirant Senen Asis Jerez bilang karagdagang pondo para sa trabaho at kabuhayan sa bawat barangay na nasasakupan nito sa ikalawang distrito ng Camarines Norte kung maluluklok bilang kongresista.
Ito ay isasakatuparan ni Senen Asis Jerez sa pamamagitan ng paglaan ng sapat na pondo o sa pakikipag-ugnayan sa mga International Funding Institutions/Organizations na direktang pamamahalaan ng barangay councils, mga kooperatiba at Non-Government Organizations (NGOs). Ito ay bahagi sa krusada ni Senen Asis Jerez na labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagmumukna ng mga karagdagang pagkakakitaan na tutugon sa kawalan ng trabaho at hanapbuhay.
Kaalinsabay nito ang patuloy ang patuloy na pagsulong ng mga proyekto sa mga barangay tulad ng barangay hall, covered court, day care centers, health centers, barangay roads, school buildings, tulay, flood control projects, evacuation centers, farm to market roads, irrigation facilities, urban drainage, potable water supply, post harvest facilities at pagpapatuloy ng RPS Highway na mag-uugnay sa Second District sa Daet, San Lorenzo Ruiz, at Quirino Highway para sa mas mabilis na transportasyon at ibayong pag-unlad ng Distrito.
Pangarap ni Senen Asis Jerez ang sabay sabay na proyekto, trabaho at kabuhayan para sa bayan.
Camarines Norte News